Untitled Document
Announcement
You are here: About the City / City Seal

City Seal

Kasalukuyang Selyo

 

Kasalukuyang Selyo

Ang bagong selyo ng Lungsod ng Cabuyao na pinagtibay noong Agosto 14, 2013 sa pamamagitan ng Kautusang Panlungsod Bilang 2013-402 na inihain ni Kagawad Ismael M. Hemedes, na pinangalawahan at sinang-ayunan ng kapulungan. Ang selyong ito ay bunga ng napagsama-samang mga suhestyion at magagandang ideya ng kapulungan upang makabuo ng isang maayos at malinaw na selyo na akma sa kasalukuyang kaunlaran ng lungsod.

Sagisag ng Cabuyao Bago Maging Lungsod

 

Sagisag ng Cabuyao Bago Maging Lungsod

Ito ang selyo ng Cabuyao na nakagisnang gamitin simula pa noong taong 1994 hanggang sa kasalukuyan kahit ito ay kaiba sa naaprubahan ng Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng National Historical Institute sa taon ding yaon at pinagtibay ngayong Mayo 18, 2011 sa pamamagitan ng Pambayang Kapasiyahan Bilang 070-2011 na inakda ni Kagawad Ismael M. Hemedes, na pinangalawahan at sinang-ayunan ng kapulungan ng Sangguniang Bayan ng Cabuyao, na nagpapatibay na ipagpatuloy na ang paggamit ng nakagisnang selyo hanggang sa ito ay baguhin sa sandaling maging siyudad na ang bayan ng Cabuyao.

Selyo ng Cabuyao

 

Selyo ng Cabuyao

(Sa pagsasaayos ng National Historical Institute) Ang kasalukuyang sagisag na ginagamit ng Pamahalaang Bayan ng Cabuyao, ay bunga ng disenyong inilahok ng isang pintor na taga-Cabuyao na si G. Domingo Alconaba sa idinaos na paligsahan sa pagguhit ng selyo ng Cabuyao. Ang kaniyang disenyo ang napili at nagwagi laban sa isinali ng iba pa. Sa gitna ng nasabing disenyo ay ipinakikita ang maalamat na Kampanang Ginto, ang mga dahon o ang halaman ay kumakatawan sa Agrikultura, ang mga alon ay sumisimbolo sa Lawa ng Bay at mga Yamang-Dagat, ang dalawang granahe ay nagpapahiwatig ng tungkol sa Industriya, Kalakalan at Inhinyerya, ang larangan ng komersyo ay inihahayag ng gusaling nasa gawing kanan at sa magkabilang bahagi ng nakasulat na taong 1571 na kung kailan natatag ang bayan ng Cabuyao ay makikita naman ang tigsisiyam na magkakabit na mga kampanilya na sumasagisag sa labingwalong (18) barangay na bumubuo sa bayan ng Cabuyao. Sa bisa ng Pambayang Kapasiyahan Bilang 165-1993 na inakda ni Kagawad Dionisio S. Punongbayan, ito na ang naging OFFICIAL SEAL o Sagisag ng Cabuyao at nanatiling ginagamit hanggang ngayon, bagama’t ang pinagtibay ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas ay ang isinaayos ng National Historical Institute na ang mga disenyo sa loob ng bilog ng isinumiteng sagisag ng Cabuyao ay ipinaloob sa kalasag ng Lalawigan ng Laguna.

Ang Sagisag hanggang 1992

 

Ang Sagisag hanggang 1992

Nagkaroon ng bahaging panahon sa kasaysayan ng Bayan ng Cabuyao hanggang 1992, na ang ginamit na sagisag o selyo ay yaong ang nakadisenyo sa gitna ay simpleng kampana lamang, na nagpapaalala sa mga Cabuyeño ng tungkol sa Kampanang Gintong may mayamang alamat na hindi maaaring ihiwalay ang kaugnayan sa bayang ito. Ito’y naging bunga ng paligsahang ginanap upang makapili ng magandang disenyo, sa panahon ng noon ay naging Konsehal Carlito Alegre at kaniyang mga kasama

Tabuko

 

Tabuko

Ang simbulong ito ay ang ginamit noong panahon ng mga Kastila. Ito ay makikita sa mga marhel o panghero sa mga hayop kapag ipinaparehistro sa Pamahalaang Bayan. Makikita sa simbulo ang mga Titik T, A at B na siyang mga unang titik sa salitang Tabuko na dating pangalan ng Cabuyao.

Untitled Document
Ano ang masasabi mo sa bagong website ng Cabuyao? Sa paanong paraan ito maaari makatulong sa mga Cabuyeno? See all responses
Untitled Document